Eurika

Eurika - Sabihin Mo Naman lyrics

Your rating:
Ilang ulit pa ba akong dadaan?,

Kunyari laging may nakakalimutan

Para matanaw ka lang;

Kapag nakasalubong mo naman,

Sa gilid ng mata, ika'y tinitingnan;

Ikaw ba'y lilingon man lang.



Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita;

Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka.



Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin

Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;

Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?

Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;

Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;

Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.



Pilit mang ibaling sa iba,

Lagi nang sa isip ko ay naroon ka

At nagbibigay-saya;

Makita lang kitang nakangiti,

Ang lungkot na nadarama'y napapawi;

Ganyan ka lang sana lagi.



Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita;

Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka.



Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin

Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;

Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?

Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;

Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;

Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.



Sana man lang, iyong malaman

Ang lihim kong nararamdaman...



Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin

Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;

Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?

Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;

Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;

Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.



Sabihin mo naman...

Kung hiling ng puso ko'y. may pag-asa...



Hmmmmm...
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found