Yeng Constantino

Yeng Constantino - Bulag, Pipi, At Bingi lyrics

Your rating:
Madilim ang ‘yong paligid, hating-gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo sa yo'y pinagkaitan

Wag mabahala kaibigan, isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan



[Chorus]

Di nalalayo sa yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

Di makita, di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal



Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso't damdamin wala sa ‘yong pumapansin

Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman



[repeat Chorus]



Ano sa yo ang musika, sa yo ba'y mahalaga

Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig

Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo



[repeat Chorus]



Di makita, di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found