Kitchie Nadal

Kitchie Nadal - Pag-ibig lyrics

Your rating:
No'ng tangan ng nanay ang munti mong mga kamay

Ika'y tuwang-tuwa, panatag ang loob

Sa damdaming ika'y mahal

No'ng nakilala mo ang una mong sinta

Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba

Sinasamsam ang bawat gunita.



Chorus 1:

Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang

Matuto kung papa'nong magmahal

At di mo malimutan kung kailan mo natikman

Ang una mong halik, yakap na napakahigpit

Pag-ibig na tunay hangang langit.



No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya

Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin

At sa pagbati mong napakalambing.



Chorus 2:

Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang

Matutong ikaw lang ang mahalin

At di ko malimutan kung kailan ko natikman

Ang tamis ng iyong halik, yakap na nakapahigpit

Pag-ibig mong tunay hangang langit.



Repeat Chorus 2 twice 



Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found