Mike Kosa

Mike Kosa - Mason Karet lyrics

Your rating:
Yo! Mason ‘wag ka na kaya kong mag-isa

Gusto mo lamang magpasikat dito sa'king kanta

Ano ka ba Mike Kosa ako pa ang mali

Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli



Kay dami nang mga kalaban ang hindi umubra

Kasing dami ng respeto na aking kinubra

Masasabi bang ‘wag pag may pumapalakpak

Sa lahat ng kanta ko na iyong sinasalampak

I mean pinapakinggan (ha ha) teka lang Mason

Ang kanta ko'y namamayagpag na sa Central Luzon

Easy lang pareng Kosa baka presyon tumaas

Kumpara naman sa bakal ikaw ang mas matigas



Teka nga Mason Karet wag kang makulet

Bakit sumisingit ka sa kanta kong malupet?

Hindi naman sa ganun gusto ko lang namang tumulong

Na ubusin ang kaaway mo at hiphop ay isulong, masama ba yun?

Hindi, tama nga ang panukala,

kung meron sampung mali lahat nang yan dapat itama

Hindi pa natin panahon kaya dapat magtulungan

Na ibangon ang hiphop sa Pilipinas( korek ka diyan)



Anong silbi ng iyong mamahaling suot?

Kung ang iyong papel basa at palaging lukot?

Huwag ka na ngang sumagot, kasi palyado at bulol

Nagpahasa ng dila sa taong mas mapurol ang utak

That's right, bigyan ko kaya ng lekson

At kaya kong pabagsakin lahat ng ‘yong koneksyon

Matibay akong proteksyon kahit di dumaan ang pangit

Gagaling ka sana kung meron kang utak na aking gamit

Yan, yan diyan ka lang magaling

Pinapapatulan mo pa rin kahit walang narating

Eh sumasama ka pa kasi eh ako nga hindi kinaya

Na lumikha lang sa'king letra

Magpaparatang na nanggaya daw ako

Sabi nila ang tanong ko lang kanino?

O nainggit ka lang sa mga letra kong pinino

Yan si pareng kosa tama lang na magyabang

Kasi akyong lahat sa karangalan ay tiganga



Walong bilang panghuli para sa'kin na'to

Isama mo naman ako sa lahat ng pangarap mo

Sa susunod kong kanta ay kakanta ka pa ba?

Kahit wala ng makalaban na nagpapakaba

Ba't hindi Mike Kosa dapat kong tiyakin

Kung meron lalaki pang ulo dapat ay biyakin

Mason kulet (Karet) ginawa mo silang buko

Tutuktukan kita kong lapis ko'y naging tako

San mo ba nakukuha ang husay mong kataga?

Kung titignan lang sa itsura mo'y hindi halata

Ha ha ganyan lang talaga tago ang aking prueba

Parang may sintomas na hindi pa alam ito'y amoeba

Malalim ka talaga, inuuto mo lang ako eh

Kumukuha ka lang sa'kin ng teknik at diskarte

Hindi ah, siguro parehas lang tayong matibay

Na hindi kayang pabagsakin ng kahit sino mang kaaway
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Dutch

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found